Thursday, March 16, 2017

Isang Modus sa tindahan huli sa cctv

Huli sa cctv ang isang babae at ang isang lalaki matapos gumawa ng isang kalokohan sa isang tindahan.Tanghali tapat ng biglang dumating ang isang lalaking nakamotorsiklo , mukhang nagmamadali ito dahil hindi na nya tinangal ang kanyang suot na helmet.Bumili ito ng isang alak , inabot nya ang pera na nagkakahalaga ng isang libo. Habang hinihintay ang sukli may kinakausap syang isang babae.
Hindi pa ito basta basta makadiskarte dahil may kasabay itong bumili.Pagkatapos kunin ng lalaki ang sukli ay iniwan ang alak para sundion ang kausap na babae.Biglang ding nagbago ang isip ng lalaki,isinauli nya ang alak upang makuha ang buong isang libo,nang isinaoli ng lalaki ang alak at ang sukli para makuha ang isang liboay binigay din ng tindero ang isang libo sa lalaki habang kinakausap siya nito.
At doon na nangyari ang modus ng dalawa, ng ibinigay ng tindero ang isang libo,kinausap ito ng suspek di alam ng tindero na may nakahanda na itong isang daan para ipagpalit nya sa isang libo upang sabihin sa tindero na mali ang isinaoling pera.Hanggang sa kinuha na ng tindero ang isang daan at nagbigay ulit ng panibagong isang libo.Ang unang isang libog may mabilis na naibulsa ng kanang kamay.Mag-ingat po tayo sa mga ganitong klaseng modus.