Nagsagawa na ng manhunt operation ang mga PNP sa Marikina, upang mahuli ang suspek sa pagpatay sa propesor ng Pamantasang Lungsod ng Marikina.Ngayon ay pinag-aaralan na ng mga pulis ang kuha sa CCTV ng kapitabahay ng biktima sa Marikina, kung saan naroroon ang bahay ng biktima na si Dr.Alfredi Dimaano Vice President for Academis ng Pamantasang Lungsod ng Marikina ( PLM ) .
Nakunan ito ng bandang 4:25 ng madaling araw ang isang lalaking may bitbit na bag, na tila nagmamadali ito sa kanyang paglalakad. Siya din ang lalaking huli umanong kasama ng biktima.
Nakita ito ng isang opisyal ng barangay,dahil katapat lamang ng bahay ng biktima ang bantay bayan outpost. At nakita din ito ng kasambahay ng biktima.
Natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang silid noong miyerkules ng umaga. Nakitaan ito ng 7 saksak at may mga marka sa leeg na nagpapakita na maaaring sinakal ito ng suspek.
Naiwan din umano ng mga damit ng suspek sa crime scene, na gagamitin ng mga pulis sa pagtukoy sa kanya.