Thursday, March 9, 2017

Oarfish natagpuang patay sa tabing dagat sa Agusan del Norte

Sa Brgy.Rojales sa bayan ng Carmen, Agusan del Norte may natagpuang Oarfish na may habang 12 talamapakan.Mula noong Enero pang anim na Oarfish na ang natagpuan.Ang paglitaw ng mga isang katulad ng Oarfish na karaniwang naninirahan sa kailaliman ng dagat ay palatandaan ng lindol
Ayon sa isang seismologist na si Kiyoshi Wadatsumi, sa isang pahayag na nailathala sa Japan Times, na ang mga isda na nasa malalim na parte ng karagatan ay mas sensitibi sa paggalaw ng mga faults
Ang Paniniwala kasi ng ilan isang indikasyon na may napipintong paglindol kung may nakitang ganitong uri ng isda sa baybayin na kadalasang nakatira sa lalim na higit sa 1000 talampakan.
Ang Oarfish na inanod sa baybayin ng tabing dagat ay agad ding inilibing