Kalunos-lunos ang sinapit ng Grade 4 na estudyante sa Zamboanga City Matapos atakihin ng nakawalang Belgian Shepherd.Ayon sa isang grupo ng dog trainors ano mang uri ng aso posibleng maging agresibo kaya dapat responsable ang mga may-ari sa pagbabantay sa kanilang alaga.
Pauwi na ang 9 na taong gulang na estudyante ng habulin ng aso sa loob ng subdivision ng Zamboanga City.Sinakmal ang Grade 4 na estudyante sa leeg at iba pang bahagi ng katawan ng syang kinamatay ng bata.Ayon sa menor de edad na nag-aalaga sa aso posibleng maluwang ang tali ng belgian shepherd kaya nakawala ito sa poste.Hawak na ng pulisya ng aso at ang handler nito at hinihintay naman makauwi ang may ari ng aso na nasa maynila. Ayon sa otoridad nangako ang may ari ng aso na sasagutin ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing sa biktima.Ayon din sa isang website ang belgian shepherd ay isang aktibong breed ng aso na pwedeng maging agresibo lalo na sa mga hindi nito kakilala.