Saturday, March 11, 2017

Mga sanhi ng pagkakabaog ng lalaki at babae

Mga sanhi ng pakabaog sa kalalakihan

Sabi ni Doktora.Marquez na ang abnormal sperm morphology ay isa sa mga dahilan ng pagkabaog ng mga lalaki.

"Ang sperm ay  parang butete, dapat may ulo,may leeg at may buntot. Pero may mga sperm na maliit ang leeg,dalawa ulo at dalawa ang buntot" paliwanag nito

Ang abnormal na morpolohiya ng sperm ay ang hindi umano makalalangoy nang mabuti at mamamatay habang papunta ito sa egg cell.

At isa sa mga paninigarilyo ang nagdudulot ng abnormalidad ng sperm, babala ng doktora
At ang Sperm count ay sanhi ding sanhi ng pagkabaog.
" 20 million below ang sperm count nya, may posibilidad na hindi sya makakabuntis.Dapat ay 20 million Above,"

"Ganun dapat para allowable na mag karoon ng pagbubuntis."

Ang sabi pa ng doktora," Yung buong ejaculate,hindi lahat yun at sperm."
Kailangan ng sperm fluid para sa paglangoy ng sperm.

Isa din sa mga sanhi ay ang pagbabara sa testicles,vasectomy,at labis na exposure sa mga kemika at toxin kagaya ng radiation,alak,marijuan,steroid at sigarilyo
Problema sa Obulasyon ang pangunahing sanhi ng pagkabaog ng mga babae.
Paliwanag ng doktora, obulasyon ang progreso ng buwan buwang pagkakaroon ng matured egg ng mga kababaihan.

Ani nito, " Buwan buwan nangingitlog ang mga babae.Ang mga babae ay maraming itlog sa left and right ovaries nya,sobrang dami, At nagkakaroon ng matured eggs kada buwan at nag-oovulet,na pwedeng magkaroon ng ferlitization."

Maaari ding maging sanhi ng pagkabaog ang uterine o cervical abnormalities tulad ng problema sa kuwelyo ng matres, kakulangan ng cervical mucus, o pagkakaroon ng tumor sa uterine wall.
Nagdudulot din ng pagkabaog ang endometriosis o ang pagtubo ng endometrial tissue sa labas ng matres.

Payo ng doktora para sa mga bigong hindi pa magka-anak, ay magpatingin sa fertility doctor upang matukoy ang sanhi at malapatan ng karampatang lunas.