Sa ulat ni Pia Arcangel sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing itinuturing "miracle lady" ng mga duktor ang domestic helper na si Riza Anne Bernabisa, nang magigising mula sa tatlong araw pagkaka-comatose sa Singapore bunga ng brain aneurysm na nauwi sa stroke.
ALAMIN: Ano ang aneurysm at papaano ito maiiwasan?
Ayon sa kapwa kasambahay ni Riza na si Jasmin, inihahanda niya ang gamit ng alaga na papasok sa eskwelahan nang makita niya ang kababayan na walang nang malay.
Nagkataon namang dumating ang among babae nila na kaagad na tumawag ng ambulansya.
"I thought she was dying in my arms, right in front of me. And my children was just next to me. As a mother, I wanted to protect my kids but I have to save her life," kuwento ni Celine Lacouture, amo nina Riza at Jasmin.
Bagaman malaki ang gastusin sa operasyon, hindi raw nagdalawang isip ang amo ni Riza na tulungan ang kanilang kasambahay.
"My husband and I decided, we're still young, we can still make money. But we have to save her life. That is the most important thing," sabi ni Celine.
Ang unang operasyon ni Riza, umabot sa tinatayang S$100,000 o halos P4 milyon.
Ipinagdasal daw ni Riza na huwag muna siyang kunin para sa kaniyang mga magulang at mga kapatid.
RELATED STORIES
Govt help sought for slain Pinay in Singapore
Ang baon na '3-Ds' ng isang Pinay OFW (1)
GMA News Online awarded by OFW network
Kaya itinuturing daw ng mga duktor na himala ang mabilis na paggaling ni Riza kahit pa matindi ang naging kondisyon ng kaniyang kalusugan.
Si Riza labis ang pasasalamat sa kaniyang mga amo na hindi siya pinabayaan.
Ang kaniyang kuwento, inilabas pa sa isang international news website.
Sa kabuuan, tatlong beses inoperahan si Riza. Bagaman marami ang tumulong sa kaniyang naging gastusin, may natitira pang S$ 77,000 o halos P3 milyon na kailangang bayaran sa ospital kaya umaapela siya ng tulong. -- FRJ, GMA News